Kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa Diyos sa pagkakataong ipinagkaloob sa ating Bangon Cagayan, Tulong Agila Program upang maibahagi sa ating mga kababayan sa Cagayan ang tulong at pagmamahal ng bawat mamamayan sa Pilipinas at sa ibang parte ng mundo. Binigyan po ninyo ng bagong pag asa ang mga kasama nating tinamaan ng Bagyong Ulysses at ng matinding pagbaha.
Sa loob ng halos isang buwan, sinubukan nating abutin ang mga nangangailangan sa Cagayan simula sa agarang pag bibigay ng Relief Packs hanggang sa House Rehabilitation Projects at sa Health Kits na kinakailangan pa din sa ngayon dahil na rin sa patuloy na banta ng COVID-19.
Hanga po kami sa ating mga donors at volunteers na ibinigay ang lahat ng kanilang makakaya para sa misyong ito. Pagpalain po kayo sa inyong kabutihan at pagmamahal sa kapwa. Dasal namin ang inyong mabuting kalagayan araw araw.
Hindi po dito nagtatapos ang ating pag iikot at pamamahagi ng inyong mga donasyon. Ipagpapatuloy po natin ito hanggang meron pang Cagayanong nangangailangan.
Tunay nga ang pangaral ng ating Amang Agila si Dr. Ronald P. Guzman na “Blessings are not blessings unless they are shared.” Maraming Maraming Salamat sa inyong pagtitiwala sa ating munting programang Bangon Cagayan, Tulong Agila